"TARA NA'T MAMASYAL SA MGA TANAWIN NA LIKHA NG MAYKAPAL"

Mula kay: Jowee Mae Marfori
Talaga nga naman na maraming magagandang tanawin na makikita sa ating bansa. Masasabi ko na ipinagpala talaga tayo. Luzon, Visayas, at Mindanao ay tatlong bahagi ng Pilipinas. Doon ay maraming mapupuntahan kaya tayo'y maging masaya at mapagpasalamat sa mga biyaya na natanggap natin.
Marami na akong napuntahan na lugar sa Pilipinas katulad ng Tagaytay, Pangasinan, Subic, Tarlac at iba pa. Mayroon mga lugar na hinding hindi ko makakalimutan. Alam niyo kung ano iyon? Wala ng iba kung hindi ang Baguio, sa dinami- dami ng mga matatamis na strawberries, mga matitikas at mababait na kabayo, ang preskong simoy ng hangin, mga magagaling na mananayaw na Igorot at higit sa lahat ang mga pusong mamon na tao.
Isa na rin pala ang Zambales na napuntahan ko. Ang Zambales naman ay kilala sa kanilang magagandang dagat. Casteileos, San Antonio, San Marcelino ay isa sa mga sikat na lugar sa Zambales. Ang mga foreigners ay nageenjoy at nakikita ko ang mga matatamis nilang ngiti. Ang akin lang, Mas kailangan nating tangkilikin ang sariling atin.
Sana kaysa na pumunta sa ibang bansa ay unahin muna ang pagbisita sa mga magagandang lugar sa bansa. Tiyak na mageenjoy kayo, at hindi pa masakit sa bulsa. Dapat nating pahalagahan ang lahat dahil uunlad at sisikat ang bansa kung tatangkilikin natin ang sariling atin. Balang araw makikilala rin tayo sa buong mundo. Masasabi kong talagang "It's More Fun In The Philippines".

No comments:
Post a Comment